Pastor Apollo C. Quiboloy may solusyon sa matinding pagbaha sa bansa

Pastor Apollo C. Quiboloy may solusyon sa matinding pagbaha sa bansa

MADALAS maranasan ng Pilipinas ang mga kalamidad tulad ng bagyo na nagdudulot ng matinding pagbaha sa iba’t ibang lugar at pagkasira ng mga imprastruktura.

Sa 2024 national budget, tinatayang P255 billion ang inilaan para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways.

Sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, ipinagmalaki niya ang 5,500 flood control projects na nakumpleto sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ngunit, makaraan ang ilang araw ay hinagupit ng sunod-sunod na bagyo ang bansa, isa na rito ang bagyong karina na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila.

Lubog din sa baha ang rehiyong ng Bicol matapos humagupit ang “Bagyong Kristene”.

Bilang tugon, nais isulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang housing renovation and standardization program na magbibigay ng standardize housing lalung-lalo na sa mga flood prone areas.

“We have here number one sabi ni Pastor ang ipapasa niya housing renovation and standardization program. Ano ‘tong housing renovation? Sabi ni Pastor kasi naa-identify naman kung saan yung mga parte ng bansa na flood prone areas or typhoon prone areas so dapat bibigyan sila ng standardize na housing for example alam mong malapit yan so at least 2 to 3 story houses naman ang ibigay natin so achievable ba? Bakit paano yun, ang laki-laki ng 2 to 3 story houses? So sabi ni Pastor, isa din sa nabanggit ni Pastor is yung super ministry system,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente.

Isinusulong din ng butihing Pastor ang pagtatayo ng community resilience centers na magiging complex centers ng mga nasalanta ng kalamidad na mayroong pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, damit at mga gamot.

“Ang gagawin niya is ready siya, complex po ito. So, each CRC will accommodate kung ilan man yung number of population in that certain brgy. Tapos po it will be equipped with essential supplies may food na, may water na meron pang medical necessities, may clothings kumpleto na and it will serve as a command center during disasters and of course it will function like I’ve mentioned as a community center during non-disaster period. So ganun ka-ganda ang pagiging proactive approach dapat nakikita mo na saan mo ililikas, saan mo ililipat, yung mga magiging typhoon survivors during that time. Syempre elevated again yan, elevated yung area na yan para talaga wala tayong magiging problema on that day of the typhoon,’’ saad nito

Sa ilalim naman ng flood control infrustracture development, plano ni Pastor Apollo na magtayo ng large scale dams at reservoir, underground water storage facilities at i-improve ang drainage systems na makakatulong sa mga urban areas at Metro Manila.

‘’Ito yung tinatawag na comprehensive network of flood control infrastructure. Gaano to kagaling? Number one is yung large scale dams and reservoir. So when you talk about large scale dams, ito yung magko-collect ng mga excess water during heavy rainfall. Iko-collect niya and then siya yung magko-control ng release of water gradually and at the same time it will reserved as reservoir, reservoir kumbaga siya muna ang mag-iimbak ng mga water para for agriculture purposes, for industrial purposes and also especially dun sa mga areas that have water scarcity,’’ ani Laurente.

Kabilang din sa mga proyekto at mga plano ni Pastor ang transportation arrangement, evacuation systems at education programs para sa pagsasagawa ng mga proper drills sa iba’t ibang lalawigan.

Isusulong din ni Pastor Apollo ang enviromental protection and natural flood barriers na naglalayong magtanim ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapigilan ang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga typhoon prone areas.

Ang programang ito ay una nang sinimulan ng butihin Pastor sa pamamagitan ng Sonshine Philippine Movement kung saan nagpapatuloy ang Nationwide Tree Planting Activity na may temang ‘One Tree One Nation.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Pastor Apollo C. Quiboloy at ang kanyang mga volunteers sa Kingdom of Jesus Christ ay tumutulong sa mga nasalanta at nagbibigay serbisyo sa mga nangangailangan, hindi lang sa Mindanao kundi sa iba’t ibang lugar sa bansa tuwing may kalamidad.

Ayon sa tagapagsalita ni Pastor Apollo hindi ito posibleng mangyari kung magtutulungan ang bawat Pilipino, tunay na magiging maunlad at kanais-nais ang patutunguhan ng bansa kung mayroong leader na katulad ng butihing Pastor, na may pagmamahal sa bansang pilipinas at may malasakit sa kapwa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter