Nilinaw ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi Cabinet reshuffle ang kaniyang hinihiling kay President Ferdinand Marcos Jr., kundi masusing pag-aaral sa performance ng economic team at pagbabago sa ilang polisiya.
Giit ni Lacson, hindi sapat na isisi lamang sa tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran ang pagbagal ng ekonomiya ng bansa.
Ipinunto ng senador na mas mataas ang economic growth ng ilang ASEAN countries gaya ng Vietnam na 9.95 percent, habang 2.1 percent lamang ang naitala ng Pilipinas sa third quarter ng 2026.
Nauna nang hinimok ni Lacson ang pangulo na suriing muli ang kaniyang economic team sa gitna ng paghina ng piso, pagbagsak ng stock market, pagtaas ng inflation at lumalalang kahirapan.
Samantala, umabot sa 7.8 percent ang inflation noong Oktubre, mas mataas sa 7.2 percent na naitala noong Setyembre at pinakamataas ito sa loob ng tatlong taon.
