Ecuador, nagrarasyon ng kuryente sa kanilang mga lungsod dahil sa power interruption

Ecuador, nagrarasyon ng kuryente sa kanilang mga lungsod dahil sa power interruption

NAGRARASYON ngayon ng kuryente ang Ecuador sa kanilang pangunahing mga lungsod.

Tugon ito ng pamahalaan nila sa nangyayaring mga power interruption na dala ng El Niño.

Ipinaalala na rin ng Ecuador sa kanilang mamamayan na magtipid sa kuryente maging sa tubig.

Kasunod nito ay hinikayat ng isang climate change professor sa Javeriana University sa Bogota, Colombia ang Ecuador maging ang kaniyang bansa na sana’y hindi na maging dependent sa hydroelectric power.

Mas mainam ayon sa propesor na matuto na sa energy mix gaya ng solar o wind at iba pang uri ng energy source.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble