Ed Sheeran, inilabas na ang comeback single nitong “Eyes Closed”

Ed Sheeran, inilabas na ang comeback single nitong “Eyes Closed”

INILABAS na ng singer-songwriter, at Grammy winner na si Ed Sheeran ang comeback single nitong “Eyes Closed” na higit na pinag-uusapan ng kaniyang mga taga-suporta dahil sa konsepto ng music video at lyrics nito.

Mapapanood sa music video na sinusundan ng isang malungkot na monster na sinasabing sumisimbolo sa nararanasang kalungkutan ng singer na kasunod niya rin sa araw-araw.

Matatandaan ibinahagi ni Ed Sheeran na hindi naging maganda ang kaniyang karanasan sa mga nakalipas na taon kabilang na ang biglaang pagpanaw ng kaniyang bestfriend at pati na rin ang hindi maayos na estado ng kaniyang mental health.

Nakatakdang ilabas ni Sheeran ang kabuuan ng “-“(subtract) sa May 5.

Mayroon itong 4 na Grammy awards kabilang ang song of the year at best pop solo performance para sa kantang “Thinking Out Loud”

Nanalo rin ito ng best pop solo performance para sa kaniyang “Shape of You” at best pop vocal album sa ikatlo nitong album.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter