NAKATAKDA nang ilabas ng Grammy Winner, singer-songwriter na si Ed Sheeran ang kaniyang comeback single na may title na “Eyes Closed” sa March 24.
Ayon kay Sheeran, ang kantang ito ay tungkol sa kung paano mawalan ng minamahal sa buhay at mga alaala ng mga bagay na ginawa niyo nang magkasama.
Nauna na ring inanunsiyo ni Sheeran na ang pinakahuli nitong album na may titulong “-“ (Subtract) ay nakatakdang ilabas sa May 5.
Si Sheeran ang nasa likod ng mga pinakasikat na kanta gaya ng ‘Thinking Out Loud”, “Shape of You” at marami pang iba.
Mayroon din itong 4 na Grammy Awards kabilang ang Song of the Year at Best Pop Solo Performance, at Best Pop Vocal Album.