NAHAHARAP sa kaso ng korapsiyon si Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Department of Agriculture (DA) dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersiya ng importasyon ng asukal.
Pinaboran umano ni Panganiban ang mga sugar trader na mag-smuggle ng 250,000 metric tons ng asukal sa bansa.
Sa kasong isinampa ng National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines-Agrarian Reform Beneficiaries Council (NACUSIP-ARB) at Alternatiba ng Masa Party-list.
Hinimok ng mga ito ang Office of the Ombudsman na hatulan si Panganiban dahil sa paglabag nito sa Section 3 ng RA No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Ayon kay NACUSIP-ARB Council Director Roland dela Cruz, naapektuhan nang malala ang mga sugar farmer at worker sa sugar industry dahil sa pagbugso ng imported sugar sa merkado na pinamunuan mismo ng senior official ng DA.
Nagmula ang kaso mula sa kargamento ng refined sugar na pumasok sa bansa noong Pebrero 9 na hinarang ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa kakulangan ng permit nito.
Kalaunang naihayag na pinahintulutan ni Panganiban upang mapababa ang presyo ng asukal.