Elon Musk, nabawi ang titulong pinakamayamang tao sa mundo

Elon Musk, nabawi ang titulong pinakamayamang tao sa mundo

MULING nabawi ni Tesla at Space X CEO na si Elon Musk ang titulo bilang pinakamayamang tao sa mundo.

Ito’y matapos maungusan si Bernard Arnault, ang may-ari ng pinakamalaking luxury goods company sa mundo— ang LVMH na may-ari ng Louis Vuitton, Christian Dior at Tiffany.

Ayon sa Forbes Magazine, tumaas ang net worth ni Elon Musk ng 1.75 percent sa 240.7 billion US dollars.

Habang bumaba naman ng mahigit sa 1 percent ang yaman ni Arnault na nasa 234.9 billion US dollars.

Sumunod naman kay Arnault na pinakamayaman sa buong mundo si Jeff Bezos, ang founder ng Amazon; na sinundan ni Larry Ellison ng Oracle, Bill Gates ng Microsoft at Warren Buffet ng Berkshire Hathaway.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble