SANGKOT sa pamemeke ng neuro test result at firearm license ang 5 pulis.
Limang pulis ang iniimbestigahan ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) dahil sa kasong pamemeke ng firearm license at pangdo-doktor ng neuro test result.
Ayon sa impormasyon na nakuha ni PNP-CSG director PBGen. Benjamin Silo, Jr., pinakamataas na ranggo ng pulis na sangkot sa nasabing kaso ay major, 3 non- commissioned officer at isang non-uniformed personnel.
Sa ilalim ng isinagawang imbestigasyon ng PNP, nabatid na umabot sa 377 katao ang na-revoke ang lisensiya dahil sa pekeng mga dokumento at ilegal na proseso sa pagkuha ng kanilang lisensiya.
Ayon sa PNP, mahilig sa shortcut na proseso ang mga nakuhanan ng lisensiya ng baril bagay na labag ito sa batas.
Patung-patong naman na kaso ang nakatakdang isampa sa limang pulis kabilang na ang administrative case, paglabag sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) Law, at ease of doing business habang mahaharap sa administrative sanctions at revocation of licenses naman ang kahaharapin ng mga 377 katao.