Enrile, pinawalang-sala sa plunder case laban sa kaniya

Enrile, pinawalang-sala sa plunder case laban sa kaniya

PINAWALANG-sala mula sa kasong plunder ang kasalukuyang chief presidential legal counsel na si Juan Ponce Enrile.

Ayon ito sa desisyon ng Sandiganbayan Special Third Division.

Maging ang kaniyang former aide na si Gigi Reyes at ang tinawag na ‘pork barrel scam queen’ na si Janet Napoles ay ‘not guilty’ rin.

Ang plunder cases laban sa kanila ay kaugnay sa maling paggamit ng pork barrel funds na naging matunog noong 2013.

Matatandaang Hunyo 2014 nang ihain ang kaso laban sa mga nabanggit.

Sa ulat, nakapaghakot umano sila ng hanggang P172-M mula sa priority Development Assistance Fund ni Enrile taong 2004 hanggang 2010.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble