ES Bersamin: Mag-ingat sa mga nagbebenta ng appointment sa gobyerno gamit ang kaniyang pangalan

ES Bersamin: Mag-ingat sa mga nagbebenta ng appointment sa gobyerno gamit ang kaniyang pangalan

NAGBIGAY ng babala si Executive Secretary Lucas Bersamin sa publiko na maging maingat sa mga walang prinsipyong tao na nagtatangkang magbenta ng mga posisyon sa gobyerno.

Sa isang statement, pinuri ni Bersamin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisikap nito sa paghuli sa mga suspek na umano’y nagbebenta ng appointment gamit ang kaniyang pangalan at ng Office of the Executive Secretary.

‘Intolerable’ aniya ang mga ilegal na gawaing ito na katulad din ng mga kahiya-hiyang nangyari noon na ang layunin ay sadyang sirain ang magandang imahe ng administrasyon.

Tiniyak naman ni Bersamin na ang Office of the Executive Secretary ay patuloy na magtataguyod ng mabuting pangalan at imahe ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng walang humpay na paghabol sa perpetrators ng kahalintulad ng naturang gawain.

Nagpasalamat naman si Bersamin sa NBI dahil sa pagkaaaresto sa indibidwal na gumagamit ng kaniyang pangalan sa appointment scam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter