HINIMOK ni Senator Francis Escudero ang mga kritiko ng Maharlika Investment Fund (MIF) na patuloy itong bantayan sa kabila ng inaasahang paglagda rito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ayon kay Escudero, hindi guguho ang mundo dahil lamang maisasabatas ang MIF Bill at ibinoto ito ng karamihan ng mga senador at House of the Representatives.
Aniya, ibig sabihin lamang nito ay patuloy na bantayan ng mga may duda at pag-alala sa nakabinbing batas.
Iginiit din ni Escudero na hindi nagawang maipasa ng MIF ang constitutional requirements sa paggawa ng bagong government-owned and-controlled corporations na dahilan kung bakit hindi ito bumoto rito.