Ex-presidential spox, ibinunyag ang totoong pakay ng EDCA sites sa Pilipinas

Ex-presidential spox, ibinunyag ang totoong pakay ng EDCA sites sa Pilipinas

PERPEKTONG lokasyon ng Estados Unidos ang Pilipinas para sa anumang plano na gagawin nila para sa Taiwan laban sa China.

Ayon ito kay dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa panayam ng SMNI News batay na rin sa sinabi ng isang hindi niya pinangalanang think tank.

Ito ang totoong dahilan ayon kay Abella kung bakit pursigido ang Estados Unidos na magtayo ng EDCA sites sa Pilipinas at hindi ang sinasabi nilang para makatulong sa ekonomiya ng bansa.

Matatandaang may 5 EDCA sites na ang Pilipinas noong 2016 at ngayon sa ilalim ng Marcos administration, may 4 pa na ipapakalat.

Maliban pa dito, umaasa ang Department of National Defense na dagdagan pa ang bilang na mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter