‘Face mask policy’, mahigpit na ipatutupad sa mga sementeryo sa Marikina

‘Face mask policy’, mahigpit na ipatutupad sa mga sementeryo sa Marikina

MAHIGPIT ang pagpapatupad sa ‘face mask policy’ sa lahat ng mga sementeryo sa Marikina.

Ayon kay City Mayor Marcy Teodoro, daan nila ito upang magkaroon ng ‘added protection’ sa mga bibisita sa kanilang mahal sa buhay ngayong Undas kahit open area ang mga sementeryo.

Sa pagdalaw nito sa Loyola Memorial Park, muling nagpaalala si Mayor Teodoro sa mga residente ng siyudad na patuloy na panatilihin ang health protocols kahit maluwag na ang restictions kontra COVID-19.

Mahigpit namang ipinagbabawal ng Marikina PNP ang mga sumusunod sa loob ng sementeryo:

– Baril

– Iligal na droga tulad ng shabu at marijuana

– Kutsilyo at lahat ng matatalim na bagay

– Alak at lahat ng inuming nakalalasing

– Lighter at sigarilyo

– Videoke, sterio at maiingay na gamit

– Mga bagay na gamit sa sugal

– Mga nakahubad o half-naked

– Alagang hayop gaya ng pusa at aso

– Sarangola at gitara

– Mga lasing

– Mga batang walang kasamang guardians

– Pagdadala ng gasolina, LPG at gaas

– at Sinturon na may malalaking buckle

Bawal ding magkalat sa loob ng mga sementeryo sa siyudad kasama na ang Barangka Municipal Cemetery, OLA Parish Cemetery, Aglipay Cemetery at Holy Child Memorial Park.

Ang Loyola Memorial Park na siyang pinakamalaking sementeryo sa Marikina ay 24 oras ang operasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter