PINAKAMATAAS sa food insecurity ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST)-Food and Nutrition batay sa Expanded National Nutrition survey na isinagawa noong 2018, 2019 at 2021, nasa 84.1% ang food insecurity sa BARMM.
Sinundan ito ng Caraga Region na may 69.8%; Eastern Visayas na may 68.8%; Northern Mindanao na may 68.7%; Zamboanga Peninsula at Bicol Region na pawang 67.9%.
Ang National Capital Region (NCR) naman ang may pinakamababang food insecurity na nasa 44.5% lang.
Sa survey, malaki ang ugnayan ng food insecurity sa poverty incidence na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021 kung saan matatagpuan din sa BARMM ang pinakamataas na bilang ng mga mahihirap.
Sa NCR muli makikita ang may pinakamababang bilang ng mga mahihirap.