UMABOT na sa kabuuang 68 libong estudyante ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay sa pamamagitan ng tutoring program ng ahensiya na “Tara, Basa!”.
Mula sa naturang bilang, mahigit sa 31 libo dito ay mga elementarya at mahigit sa 31 libo rin ay mga magulang at guardian.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao, sa pamamagitan ng programa, sumailalim sa reading sessions ang mga elementary student.
Habang ang kanilang magulang at guardian ay sumailalim sa pagtuturo ng mga student tutor sa pamamagitan ng nanay-tatay sessions.
Sa ngayon ay target ng DSWD na palawigin pa ang programa sa labas ng National Capital Region (NCR) sa susunod na taon.
