Forensic examination ng NBI sa bangkay ni Christine Dacera, nakumpleto na

NAKUMPLETO na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic examination sa nakuhang tissues sa bangkay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sa kalukuyan aniya, nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Makati Medical Center kaugnay sa isyu.

Ayon kay Guevarra, sunod na susuriin ng NBI digital forensic team ang data sa mobile phones ng mga person of interest.

Samantala, ipinauubaya na ng Justice Secretary sa NBI kung ilalabas ang mga resulta ng kanilang forensic exam.

Enero 1 nang natagpuang wala ng buhay si Dacera sa isang hotel sa Makati City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.