PINUNA ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga hindi makatarungang nangyayari sa Amerika.
“Hindi nga ninyo makontrol ‘yung domestic problem ninyong law and order, papunta punta pa kayo kung saan,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito’y kasunod ng pangingialam at hiling ng Amerika sa Pilipinas na tumanggap ng Afghan refugees.
Ani Duterte, kung hindi alam ng Amerika ang impormasyon ng mga umano’y Afghan refugees, mas mainam na sa sariling bansa na lamang nila ito patuluyin.
Pinuna rin ng dating Pangulo ang ilan sa mga problema ng Amerika sa sarili mismo nitong bansa na hindi nito matugunan.
“As a matter of principle, I do not want to go there. Ayoko ‘yung bias ninyo, hindi nawawala sa inyo…Against the black people, against the immigrants, ‘yung white supremacy thing ninyo is always there.”
“Wag na tayong magbolahan. May bias talaga kayo, totoo lang and the Black American knows it at kami dito observers know it, knows about it,” ayon kay Duterte.
Samantala, sa usaping pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites, tutol si dating Pangulong Duterte dito.
Ani Duterte, ayaw nitong madawit ang bansa sa anumang gulo.
Hirit pa ni Duterte, kung hindi lang sana nanghimasok ang Amerika sa Pilipinas, malamang ay progresibo na ang bansa.
“Hindi talaga kayo puwedeng pumasok, I do not welcome you, because I do not welcome this disaster, catastrophic consequence. ‘Yan lang, ‘wag natin pag-usapan kung ano pang relasyon, special relation, special treatment for all I care, sabihin ninyo na you have given Filipinos a lot of…”
“In terms of so many things. Correct but nakalimutan ba ninyo na you’d stayed in the Philippines for 50 years? And took advantage of my country’s natural resources. For your benefit.”
“I don’t know what would have been the story, or have been a different story, kung hinayaan tayo those 300 years, at saka 50 years sa America to grow on our own and maybe develop in our pace accustomed to at baka mas makita natin mas progresibo tayo. ‘Yan ang hinanakit ko sa sitwasyon na ito,” ani Duterte.