Gaza Strip, hindi na ligtas para sa mga sibilyan—UN

Gaza Strip, hindi na ligtas para sa mga sibilyan—UN

WALA nang ligtas na lugar para sa mga sibilyan sa Gaza Strip.

Ganito inilalarawan ng United Nations (UN) ang kasalukuyang sitwasyon lalo na’t kasama sa mga binobomba ang kanilang shelters.

Nasa 80 pasilidad na ng United Nations ayon kay UN Relief and Works Agency Commissioner General Philippe Lazzarini ang tinamaan.

Sinabi na ng Israeli officials na hindi nila tinatarget ang mga pasilidad ng UN.

Binigyang-diin nila na ginagamit ng Hamas ang pasilidad ng UN para sa kanilang military activities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble