Iba pang suspek sa robbery-holdup sa Skyway, tinutugis ng PNP

Iba pang suspek sa robbery-holdup sa Skyway, tinutugis ng PNP

MALALIMANG imbestigasyon ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring robbery-holdup sa Skyway kamakailan.

Ito ay matapos matangay ng mga suspek ang tinatayang 134 milyong piso mula sa mga dayuhang biktima.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, tinitingnan nila ang anggulong inside job dahil nalaman ng mga suspek na may dalang malaking halaga ng pera ang mga dayuhang biktima mula sa Casino.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na modus ng mga suspek na harangin ang sasakyan ng mga biktima at gagamit ng palakol upang basagin ang bintana ng driver.

Kamakalawa, naaresto ng pulisya ang mag-pinsang suspek na kinilalang sina Ando Sardoma at Joland Cabotaje.

Habang tinutugis ang 5 hanggang 6 pang suspek sa krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble