NATANGGAP na ng Gaza Strip ang kauna-unahang humanitarian air drop ng Singapore.
Maliban sa meal packs, kasama sa ayuda na ipinadala ng Singapore ay medical supplies at equipment.
Bagamat, ito ang unang pagkakataon na isinagawa ang humanitarian airdrop ngunit ito naman ang ikatlong pagkakataon na nagpadala ng tulong ang Singapore.
Una na itong nagpadala ng donations sa pamamagitan ng Rahmatan Lil Alamin Foundation para ibigay sa United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) for Palestinian refugees in the near East.