NANALO sa unang pagkakataon ang Gilas Pilipinas Women mula nang sumabak ito sa 43rd William Jones Cup.
Sa naging laban nila noong Linggo, Hulyo 7 sa Taipei City, Taiwan, 74-63 ang scoring kontra Malaysia at pabor ito sa Gilas Women.
Si Afril Bernardino ang nanguna para sa koponan kung saan may ambag ito na 13 points at 3 rebounds.
Mayroon ding 10 points at 6 rebounds na ambag si Jack Animam para sa nabanggit na panalo.