Golden State Warriors at Orlando Magic pasok na sa playoffs ng NBA 2024-25 season

Golden State Warriors at Orlando Magic pasok na sa playoffs ng NBA 2024-25 season

KAPWA nakuha ng Golden State Warriors at Orlando Magic ang 7th place sa playoffs ng NBA 2024-25 season.

Sa kani-kanilang laban ngayong Miyerkules, araw dito sa Pilipinas, nagwagi ang Magic laban sa Atlanta Hawks sa iskor na 120-95.

Sa kanilang laro, agad itinala ng Magic ang 15 points lead sa first quarter na naging malaking tulong sa kanilang panalo.

Gumawa naman ng 26 points si Cole Anthony habang may double digit points din sina Wendell Carter, Jr., Anthony Black, Paolo Banchero at Franz Wagner para sa panalo ng kanilang team.

Kaugnay nito, makakaharap ng Magic ang second seed na Boston Celtics sa Eastern Conference playoffs.

Magsisimula ang kanilang Game 1 sa Linggo, Abril a-bente.

Samantala, naging dikitan naman ang laban sa pagitan ng Warriors at Memphis Grizzlies na nagtapos sa iskor na 121-116.

Sa kanilang game, hawak ng Golden State ang 12 points lead sa end of first half.

Ngunit sa third quarter, naibaba ito ng Memphis sa tatlong puntos.

At sa 12 minutes ng kanilang game, ay naging dikitan ang kanilang score.

Nanguna naman sa panalo ng koponan sina Jimmy Butler na may 38 points at Stephen Curry na may 37 points.

Makakaharap ng Warriors sa Round 1 ng playoffs sa Western Conference ang Houston Rockets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble