HAHARAP si Gwyneth Chua sa fiscal pagkalabas nito sa quarantine facility na tinutuluyan nya.
Sa panayam ng SMNI News kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño, kinumpirma nitong nasampahan na ng kaso si Chua pati na ang mga magulang at boyfriend nito.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin kung gaano kabigat ang pagpapabaya ng hotel hinggil dito.
Ibinahagi na rin ni Diño na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ng police ang lahat ng quarantine hotels.
Samantala, binigyang-diin ni Diño na aarestuhin at kakasuhan ang lahat na hindi bakunado sakaling mahuhuli itong lumabas sa kani-kanilang bahay.
Aniya, tapos na ang kapatawaran dahil magdadalawang taon na ang buong mundo na nakikipaglaban sa COVID-19.
Subalit kung talagang essential ang bibilhin ng hindi bakunado, mas mainam na magpasama nalang sa tanod para maging balido ang paglabas.