Haechan ng NCT, nagbigay ng donasyon para sa Turkiye at Syria

Haechan ng NCT, nagbigay ng donasyon para sa Turkiye at Syria

NAGBIGAY rin ng donasyon para sa Turkiye at Syria si Haechan, ang member ng K-pop boy group na NCT.

Ayon sa Community Chest of Korea, 100M Korean won o katumbas ng 79K US dollars ang ibinigay nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng singer na sa pamamagitan ng munting donasyon niya ay umaasa siyang makakatulong ito upang makabalik sa normal ang mga apektado sa magnitude 7.8 na lindol na nangyari doon noong February 6, 2023.

Maliban kay Haechan, nauna nang nagbigay ang kapwa member nito sa NCT na si Doyoung.

Parehong 100M Korean won din ang inilagak nito sa Community Chest of Korea, isang non-profit organization ng Seoul.

Follow SMNI NEWS in Twitter