Halos 10 milyong manok sa Japan, kinatay dahil sa pagkalat ng avian flu

Halos 10 milyong manok sa Japan, kinatay dahil sa pagkalat ng avian flu

KINATAY ng Japan ang halos nasa 10 milyong mga ibon sa mga poultry farms ngayong season na siyang pinakamalaking record na naiulat habang patuloy pa rin ang pagkalat ng avian influenza sa buong bansa ayon sa farm ministry nito.

Umakyat na sa 9.98 milyong mga manok ang kinatay habang sinabi ng Ibaraki Prefecture sa northeast ng Tokyo na sinimulan na rin nito ang pagkatay sa nasa 930,000 na mga manok sa isang farm sa bayan ng Shirosato matapos na makumpirma sa isang genetic testing ang presensya ng avian influenza.

Ang naunang record ng pinaka maraming katay ay nasa 9.87 million na naitala sa pagitan ng November 2020 hanggang March 2021 ayon sa Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries. avian flu

Sa ngayon, nasa 56 infections ang naitala sa 23 ng 47 na prefectures ng bansa ngayong season.

Ang unang kaso ng bird flu ngayong season ay nakumpirma nong Oktubre sa Ikayama Prefecture, Japan. avian flu

Follow SMNI NEWS in Twitter