NANAWAGAN at umapela ang Department of Justice (DOJ) na dapat irespeto ang desisyon ng hukuman kaugnay sa hatol ng Tagum Regional Trial Court Branch na guilty sina dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at 11 pang respondents sa kasong child abuse.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla na mabigat ang naging pag-usad ng kaso kaya mahalaga na irespeto ang resulta ng hatol ng korte.
Gayunman ay iginiit ng DOJ na kinikilala pa rin ang karapatan ng mga nahatulang indibidwal na humanap ng legal remedies gaya ng pag-apela sa korte.
Tiniyak naman ng DOJ ang kanilang pananagutan sa patas na pagpapatupad ng batas at hinimok ang mamamayan na magtiwala sa integridad ng ating judicial system.