Higit P200-K halaga ng droga, nakumpiska sa isang mekaniko

Higit P200-K halaga ng droga, nakumpiska sa isang mekaniko

NAKUMPISKA sa isang mekaniko ang higit P200-K halaga ng droga matapos siyang masakote sa isang drug operation sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Kinilala ni PCol. Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police ang suspek na si Danilo de Chavez Villaester, alyas Kalabaw, 51 taong gulang at newly identified drug personality.

Nadakip si Villaester habang nagbebenta umano ng ipinagbabawal na gamot sa operatiba na pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit 4A Quezon.

Nakuha sa operasyon ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drug Board (DDB) value na P68-K at street value na P204-K, motorsiklo at cellphone.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter