Hit and run suspect sa Davao City sumuko, matapos ihayag ni FPRRD na magbibigay ng 500-K pabuya

Hit and run suspect sa Davao City sumuko, matapos ihayag ni FPRRD na magbibigay ng 500-K pabuya

SUMUKO na ang suspek sa mga otoridad, ilang araw matapos maganap ang isang hit and run incident sa Davao City kung saan isa ang nasawi habang isa naman ang sugatan.

Enero 26, isang malagim na hit and run incident ang naganap sa Tulip Drive sa Matina, Davao City na ikinasawi ng isang 21-taong gulang na babae na kinilalang si Ana Mae Talili.

At ilang araw matapos ang insidente ay sumuko na ang suspek na kinilalang si Jester Silaya Yucosing, ang driver ng Toyota Hilux conquest na nakabangga sa sinasakyang motor ni Talili na siyang ikinasawi nito habang sugatan naman ang kasama nitong nagmamaneho ng naturang motorsiklo.

Ayon sa impormasyon, sumuko ang suspek matapos makipag ugnayan ni Boston, Davao Oriental Incumbent Vice Mayor John Paul Cabrera Lampig sa tanggapan ni PBGen. Benjamine Silo Jr. at inihayag nito na umamin ang kanyang driver na si Yukosin nitong Enero 29 na kabilang ito sa insidente.

Isinasaayos na sa ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek, ayon sa mga otoridad malaking tulong ang impormasyon mula sa tipster upang makilala ang suspek.

Matatandaan na sa kanyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” na ipinalabas sa SMNI, inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ito ng 500-K pabuya sa sinumang makakapagturo o makapagbibigay-alam sa kinaroroonan ng suspek at mungkahi rin ni Pastor Apollo C. Quiboloy na makakatulong kung titingnan ang mga CCTV sa syudad upang matunton ang suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter