DADAGDAGAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang honoraria ng mga guro na magsisilbi para sa Barangay at SK Elections (BSKE).
Ito ay itutulad sa mga guro na nagsisilbi tuwing automated elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mula sa 6,000, 5,000 at 4,000 na dapat matanggap ng mga ito ay itataas ito sa 10,000, 9,000 at 8,000 pesos.
At kung matutuloy naman aniya ang election ng mga delegado ng constitutional convention, ay ipinaglalaban din ng COMELEC ang dagdag na P2,000 para sa mga naglilingkod sa BSKE.