Houston Rockets, dinomina ang Orlando Magic, Jalen Green, bumida na may 26 points na panalo.

Houston Rockets, dinomina ang Orlando Magic, Jalen Green, bumida na may 26 points na panalo.

HINDI pinaporma ng Houston Rockets ang Orlando Magic sa kanilang paghaharap ngayong Huwebes.

Sa unang quarter pa lamang ay hawak na ang 5 points lead at lumobo pa ito sa 16 points bago ang kanilang huling 12 minuto ng laro.

Sa 4th quarter bahagyang nakahabol ang Magic ngunit hindi ito sumapat dahilan para magtapos ang kanilang game sa iskor na 116-108.

Nanguna sa panalo ng Rockets si Jalen Green na gumawa ng 26 points.

Sunod na makakaharap ng team ang Miami Heat sa Sabado, Marso 22.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble