IAEA, patuloy na palalakasin ang pagmo-monitor sa wastewater discharge mula sa Fukushima plant ng Japan

IAEA, patuloy na palalakasin ang pagmo-monitor sa wastewater discharge mula sa Fukushima plant ng Japan

INIHAYAG ng pamunuan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na palalakasin ng organisasyon nito ang isasagawang monitoring sa pagpapakawala ng nuclear wastewater mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Plant ng Japan.

Ayon kay IAEA Director General Rafael Grossi, inalmahan nito ang ilang aksidente na naganap sa pagpapakawala ng prinosesong tubig mula sa nasabing nuclear plant.

Ayon kay Grossi, ipinangako nito sa international community na magsasagawa ito ng monitoring bago ang pagpapakawala, habang nagpapakawala ang Japan at kung matapos na ito.

Kabilang sa mga aktibidad na mino-monitor nito ay ang sampling, testing at assessment.

Si Grossi at ang kaniyang team ay inaasahan namang bibisita muli sa Japan sa ikalabindalawa ng Marso hanggang sa katorse upang inspeksyunin muli ang planta.

“I will be in Japan very soon and this is one of the things that we are going to be discussing because I agree with you in the assumption in your question that we need to strengthen[monitoring], we need to prepare ourselves for the long haul,”ayon kay Rafael Mariano Grossi, Director General, IAEA.

Matatandaang higit isang milyon at tatlundaang libong tonelada ng wastewater na kasya sa 500 olympic-size na swimming pool ang ngayon ay naipon sa water storage tanks ng Fukushima Plant at nakatakdang pakawalan sa karagatan sa susunod na 40 taon.

Ang pagmo-monitor na ito ay siniguro ng IAEA dahil maraming bansa na nga ang umaalma sa pagpapakawala ng naprosesong tubig mula sa planta kabilang na nga ang China na una nang nagpatupad ng seafood import ban sa Japan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble