Ilang kompanya ng langis, may katiting na oil price rollback bukas

MAKARAAN ang ilang linggong price hike, may bawas-singil naman ang ilang kompanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, SeaOil at CleanFuel, nasa 15 sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Habang tig-sampung sentimos naman ang bawas sa kada litro ng kanilang diesel at kerosene.

May kapareho ring bawas-singil sa gasolina at diesel ang Petro Gazz.

Pawang epektibo ang oil price rollback, alas sais ng umaga maliban sa CleanFuel na alas 8:01 ng umaga magiging epektibo.

Inaasahan namang mag-anunsyo rin ngayong araw ng price adjustment ang ilan pang kompanya ng langis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.