Imbestigasyon ng Senado sa NAIA air traffic glitch, gumulong na

Imbestigasyon ng Senado sa NAIA air traffic glitch, gumulong na

ARAW ng Huwebes ay gumulong na ang imbestigasyon ng Senado sa NAIA air traffic glitch – ang insidente sa araw ng New Year na nakaperwisyo sa libu-libong pasahero sa eroplano.

Ito ay pinangunahan ni Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, kasama ang iba pang mga senador.

Bagamat di katanggap-tanggap para sa mga mambabatas ang pangyayari dahil sa dala ito ng isang malaking kahihiyan ay nais naman nilang malaman ang puno’t dulo ng problema para masolusyunan.

Kakulangan ng maintenance sa CNS-ATM pinuna ni Sen. Poe

“We cannot overlook the impact of this incident. The domino effect is massive and chaotic. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga horror stories. I’m sure our airport officials and air carriers have heard enough. To this, we want to be briefed on the contingency plans of DOTr and major air carriers,” saad ni Sen. Grace Poe, Chairman, Committee on Public Services.

“It aggravates the already unpleasant image of the NAIA, which is being regularly labeled as one of the worst and most stressful airports in the world. This calls for a remedial legislation and urgent action from the authorities to save the NAIA from becoming a national disgrace,” ayon naman kay Sen. Jinggoy Estrada.

“May implikasyon ito sa negosyo, sa turismo at sa buhay po ng bawat Pilipino. Nagpakahirap po si Pangulong Marcos na makakuha ng investments mula sa ibang bansa, kaya huwag nating sayangin ang pinaghirapan natin dahil gusto nating tuluyang makabangon muli ang ekonomiya,” ani Sen. Bong Go.

Kabilang naman sa mga dumalo sa pagdinig ay ang mga kinatawan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Kasama rito ang mga opisyal ng Department of Transportation, Civil Aviation Authority of The Philippines, Civil Aeronautics Board, Manila International Airport Authority.

Sa pagdinig ay lumutang na 2 taon nang hindi nagkaroon ng maintenance check ang maintenance provider ng UPS system na ginagamit para sa Communications, Navigation, and Surveillance System Air Traffic Management (CNS-ATM), ayon kay CAAP Director General Manuel Tamayo ito ay  matapos mag expire ang kanilang maintenance agreement dalawang taon na ang nakalilipas.

“What I heard is that the blowers have problems, maingay na daw so that could have led to something, but the UPS system is maintained by another company, correct? What company is this again? Pero which is a Filipino company right? And when was the last time that they checked the system? They checked the UPS system 2 years ago when they checked the batteries. Yung mga ganyan 2 years is too long,” dagdag naman ni Sen. Poe.

Sa pagpapatuloy ay pinatunayan naman ni dating DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi na nakapag maintenance check ang kumpanyang Thales dahil inako na ng CAAP ang responsibilidad sa maintenance ng CNS-ATM.

Mahahalagang equipment ng CAAP, walang CCTV

Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan ng malaliman na imbestigasyon ang pangyayari.

Ikinagulat nito nang malaman na walang CCTV footage ang lugar na kinalalagyan ng mahalagang equipment na nauugnay sa air traffic shutdown.

“I hope that there are CCTVs for this. I hope you can confirm …so you cannot tell if someone actually went inside,” ayon kay Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senate President.

Sa huli ay sinabi ni Zubiri na napapanahon nang higpitan ang surveillance at seguridad sa mga mahahalagang equipment ng CAAP.

Ayon kay Zubiri, nakahanda naman ang mga mambabatas na maglaan ng budget para sa security system ng CAAP.

Follow SMNI NEWS in Twitter