Ina ni Dacera, sinisisi ang mga kaibigan nito dahil sa hindi inalagaan ang kanyang anak

SINISISI ng ina ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera sa gabi ng kanilang party noong Bagong Taon ang mga kaibigan nito dahil sa hindi inalagaan ng mga ito ang kanyang anak.

Ayon kay Sharon Dacera, kung alam ng isa sa mga kaibigan ni Christine na masakit na ang ulo nito ay dapat na agad na itong tumawag sa clinic ng hotel.

Giit ng ina ng biktima, sinabi na ni Kristine sa isa sa mga kaibigan nitong si Rommel Galida nakakaramdam na ito ng pagkahilo at nagsususpetsa na rin itong may naglagay ng kakaiba sa kanyang inumin.

Matatandaan na natagpuang walang malay si Dacera sa isang hotel bathtub kung saan agad itong isinugod sa ospital kung saan ito pumanaw.

Parehong naniniwala nag Philippine National Police at pamilya ni Dacera na mayroong foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.