Nag-uusap na ang Pilipinas at ang Indian Firm Bharat biotech para sa supply ng mahigit 8 milyon na covid-19 vaccine doses.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran, nagpapatuloy ang pag-uusap habang hinihintay ng Bharat Biotech ang Emergency Use Authorixation (EUA) para sa kanilang Covaxin COVID-19 vaccine mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Gayunman, sinabi ni Kumaran na ang timeline kung kailan darating ang mga bakuna ay depende kung kailan maisasapinal ang kontrata sa Pilipinas.
Nilinaw naman ni Kumaran na hindi pa nasisimulan ang formal negotiations dahil nagsumite pa lamang ang Bharat Biotech ng kanilang phase 3 clinical trial data sa FDA kagabi.
Matatandaang Enero 21 ng maghain ang Bharat Biotech ng aplikason para sa EUA.
Ang Covaxin ay nagpakita ng 81 percent efficacy para maiwasan ang symptomatic COVID-19.
Ang Bharat Biotech, isang 24 anyos na gumagawa ng bakuna, ay may isang portfolio na labing anim (16) na bakuna at ini-export ito sa 123 na mga bansa.
Ang Covaxin ay isang bakunang hindi na-aktibo na nangangahulugang binuo ito upang mapatay ang coronavirus at ligtas na iturok sa katawan ng tao. Ang Bharat Biotech ay gumamit ng isang sample ng coronavirus, at ginawa ito sa National Institute of Virology ng India.