Information campaign laban sa CPP-NPA-NDF, mas pinalawak ng 80th IB

Information campaign laban sa CPP-NPA-NDF, mas pinalawak ng 80th IB

MAS pinalawak ng 80th Infantry (Steadfast) Battalion ang information campaign laban sa CPP-NPA-NDF.

Mas pinalawak pa ngayon ng mga kasundaluhan ng 80th IB ang security awareness nito.

Ito’y matapos ang matagumpay isinagawa ang information campaign kasama ang Rizal Mobile Force Company sa Sitio Kayropa, Brgy. San Rafael, Montalban, Rizal.

Ang nabanggit na programa ay dinaluhan ng mahigit 100 na residente mula sa nasabing lugar.

Layon ng nasabing aktibidad na ipaalam ang mga hakbang ng panlilinlang ng CPP-NPA-NDF sa mga mamamayan at kabataan.

Ipinangako rin ng kasundaluhan na maipaaabot sa kanila ang mga programa ng gobyerno at mga benepisyong naghihintay para sa mga nais na magbalik-loob sa pamahalaan.

Hinikayat din ng mga kasundaluhan ang mga residente na may mga kamag-anak na nalihis ng landas na kumbinsihin na itong sumuko at magbalik loob.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble