Internal peace and security sa Southern Tagalog, palalakasin ng PCG, PNP, AFP

Internal peace and security sa Southern Tagalog, palalakasin ng PCG, PNP, AFP

PALALAKASIN pa ng pamahalaan ang pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Southern Tagalog.

Ito’y matapos mapagkasunduan ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Pilippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagpaiigting ng security measures laban sa terorismo, kriminalidad, at iba pang ilegal na gawain na pumapasok at namamayagpag sa Southern Luzon.

Partikular na tututukan ng naturang law enforcement agencies ang pagsugpo sa communist terrorist groups, recruitment ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa CALABARZON.

Pero higit anila sa lahat ay ang pagsusulong ng maayos na ugnayan ng pangunahing ahensiya ng pamahalaan tungo sa mas mapayapang komunidad sa ilalim ng peace and order mandate ng kasalukuyang administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter