IPINAG-utos ng Department of Justice (DOJ) sa pamumuno ni Secretary Jesus Crispin Remulla na ibasura ang mga kasong cyber libel na inihabla laban sa dating actor-producer na si Jayke Joson sa Quezon City (QC) Prosecutors Office ni Annabelle Rama-Gutierrez dahil sa kawalan ng probable cause.
Sa isang resolusyon na nilagdaan ng kalihim ng DOJ at inilabas noong Pebrero 22, napagdisisyunan ng DOJ na ang mga prosekusyon ay walang makitang probable cause laban sa negosyanteng si Joson.
Pinaboran din ng resolusyon ang petition for review ng kampo ni Joson na nagbabaliktad at nagsasantabi sa unang resolusyon ng City Prosecutors Office ng Quezon City na may petsang March 21, 2022.
“The complaint against Respondent-Appellant [Joson] is hereby dismissed for lack of probable cause,” ayon sa DOJ Resolution.
Inutusan din ng DOJ ang City Prosecutor na bawiin ang kaukulang impormasyon na inihain sa QC Regional Trial Court Branch 90, at iulat ang aksiyon na ginawa dito sa loob ng 10 araw mula nang matanggap ang resolusyon.
“[Joson] did not act with malice in issuing said remarks against [Rama].”
“Considering the element of malice is not present, the instant case must be dismissed for lack of probable cause,” nakasad pa sa resolution.
Ayon din sa resolusyon, hindi nakitaan ng malisya ang mga sinabi ni Joson laban kay Rama.
At dahil sa wala itong makita na malisya ay dapat nang madismiss ang kaso dahil sa kawalan ng probable cause.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng talent-manager na si Rama laban kay Joson matapos ang pabalik-balik na pagtatalo ng dalawang kampo sa social media at online news reports.
Sa isang counter-affidavit ay itinanggi ni Joson ang paglalathala ng naturang mga ulat.
Ipinunto rin ni Joson ang katayuan ni Rama bilang isang pampublikong pigura, na ginawa lamang ni Joson ang kaniyang pahayag laban sa kaniyang “bahagi ng pribilehiyong komunikasyon.”
“The remarks of the Respondent-Appellant [Joson] were not defamatory. On the contrary, Joson was able to present the documentary proof on which he based his statements upon,” dagdag sa resolution.
Sa resolusyon nito, sinabi ng DOJ na hindi mapanirang-puri ang mga sinabi ni Joson, at nakapagpresinta si Joson ng pruweba para suportahan ang mga pahayag na inilabas niya laban kay Rama.
Sinabi rin nito na ang mga pagsisiwalat ni Joson sa mga nakabinbing kaso ni Rama.
Isa sa mga puntong itinaas ni Rama sa kaniyang reklamo ay nauna nang lumabas sa ilang news online news outlet.
Si Joson, ayon din sa resolusyon ng DOJ, ay hindi kumilos nang may malisya sa paglalabas ng nasabing mga pahayag laban sa dating aktres at kasalukuyang talent manager.