Itaas sa priority list ang mga guro sa COVID-19 vaccine, ipinanawagan ng mga grupo

IPINANAWAGAN ngayon ng maraming organisasyon mula sa iba’t ibang sektor sa pamahalaan na itaas sa COVID-19 priority list ang mga guro.

Apela ng mga ito sa National Immunization Technical Advisory Group, ipabilang sa Priority Group A4 ang mga guro na kasalukuyang nasa Priority Group B.

Ayon sa grupo, ito ay upang maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa posibleng muling pagbubukas ng face-to-face classes.

(BASAHIN: Guidelines para sa limited face-to-face classes, nakalatag na —DepEd)

Giit pa ng mga ito, hanggang sa ngayon ay wala pang kumpleto at kongkretong plano sa posibleng pagbubukas ng mga paaralan.

Kaya naman mahalaga anito na mapabilang sa mauunang mabakunahan ang mga guro upang magkaroon ng katiyakan na magiging ligtas ang pagbubukas ng face-to-face classes sakaling pahintulutan na ito.

Ang nasabing grupo ay mula sa iba’t ibang sektor mula sa health, business at academic sectors kabilang na ang action for economic reforms, Philippine Pediatric Society at Philippine Business for Education.

Teaching at non-teaching personnels ng HEIs isama sa priority list ng babakunahan —CHED

Ipinanawagan ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagkakabilang ng mga teaching at non-teaching personnel ng higher education institutions sa priority list ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Hiling ng CHED sa Department of Health, isama sa Priority Group B Immunization Program ang mga tauhan ng pampubliko at pampribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Paliwanag ni CHED Chair Prospero de Vera, kinakailangan ito upang sa paghahanda na unti-unti pagbubukas ng colleges at universities bilang bahagi ng pagbubukas ng ekonomiya.

Kasabay ng paghain ng request sa Health Department ay ipinag-utos na rin ng CHED sa mga regional offices nito ang pagkakaroon ng registry sa mga nais magpabakuna.

Magugunitang batay sa unang inilabas na priority list ng pamahalaan kabilang sa Group B ang mga guro, social workers at iba pang government at essential workers.

SMNI NEWS