Japan, bibili ng maraming U.S. Tomahawk missiles sa FY 2023

Japan, bibili ng maraming U.S. Tomahawk missiles sa FY 2023

IKINUKUNSIDERA ng Japan ang pagbili nng Tomahawk Cruise Missiles mula sa Estados Unidos para sa Fiscal Year 2023 na magsisimula sa buwan ng Abril.

Ang hakbang na ito ay sumasalamin sa nais ng bansa na magkaroon ng kasanayan sa paggamit ng long range missiles ng Amerika.

Posible rin na kumonsulta si Prime Minister Fumio Kishida sa Estados Unidos ukol sa pagpapabilis ng missile deployment sa bansa mula sa kasalukuyang iskedyul nito sa taong 2026.

Ayon sa mga ulat nakahanda ang gobyerno ng Japan na bumili ng aabot sa 500 tomahawks.

Inaasahan na ang latest model missiles ang bibilhin ng Japan na pareho naman sa ginagamit ng US Navy at maaaring ilunsad sa pamamagitan ng Japanese Maritime Self Defense Force Aegis Destroyers.

Nagtalaga ng inisyal na budget para sa Fiscal 2023 noong Disyembre ang Japan kung saan ilalaan ang higit 200 bilyong yen para sa pagbili ng tomahawks.

Follow SMNI NEWS in Twitter