JMCFI College of Law, kampeon sa Int’l Law Moot Court Competition

JMCFI College of Law, kampeon sa Int’l Law Moot Court Competition

ITINANGHAL na National Champion ng 3rd University of Cebu – Konrad Adenaeur Stiftung International Environmental Law Moot Court Competition (UC-KAS IELMCC), ang Jose Maria College Foundation, Inc. College of Law (JMCFI), na ginanap sa University of Cebu, nitong Oktubre 12-15, 2023.

Ang nasabing kompetisyon ay may temang nakasentro sa Renewable Energy at Climate Change Obligation of States.

Bukod sa pagkilala bilang national winner, nakuha rin ng JMCFI College of Law ang mga espesyal na parangal para sa mga mag-aaral na nagpamalas ng natatanging galing sa Moot Court Competition.

Kinilala bilang Best Oralist for the final round si April Noellie Armilla at Best Oralist for the prelim rounds naman si Jemimah Ganancial.

Samantala, kabilang sa JMCFI College of Law mooters sina John Rey Codilla, Eryel Comania, Ronald Jay Ortiz, at April Beries.

Habang pinangunahan naman nina Atty. Gretchen Cañedo at Dean Atty. Israelito Torreon ang pagtuturo at pagsasanay sa mga law students.

Malaki naman ang pasasalamat ng JMCFI Moot Court Team kay Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy— ang founding president ng JMCFI para sa walang sawang suporta nito sa kanilang mga adhikain.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasungkit ang JMCFI College of Law ng Championship title sa isang moot court competition. 2019 nang matanghal din na kampyeonato ang mga JMCFI Law students sa Tehankee Mootcourt Competition.

Follow SMNI NEWS on Twitter