Justine Brownlee, Rondae Hollis-Jefferson, sasabak sa 2023 PBA Commissioner’s Cup

Justine Brownlee, Rondae Hollis-Jefferson, sasabak sa 2023 PBA Commissioner’s Cup

SASABAK  sa 2023 PBA Commissioner’s Cup sina  Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at  Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga sa darating na Oktubre.

Noong Hunyo pa dumating sa Pilipinas si Brownlee at sumama sa training camp ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup habang pinangunahan naman ni Hollis-Jefferson ang Jordan.

Nanguna si Brownlee sa Gin Kings na nanalo sa tournament noong 2022 laban sa Bay Area Dragons habang naagaw naman ni Hollis-Jefferson ng Tropang Giga ang PBA Governor’s Cup Crown.

Samantala, ipakikilala na ang mga bagong imports ng Magnolia at Meralco para sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup sa Oktubre 15.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble