Kampo ni BBM, tumangging magbigay ng komento dahil hindi pa natatanggap ang kopya ng motion of reconsideration

Kampo ni BBM, tumangging magbigay ng komento dahil hindi pa natatanggap ang kopya ng motion of reconsideration

TUMANGGING magbigay ng komento ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos (BBM) hinggil sa pag-apela ng isa sa mga petitioner ng disqualification case sa Commission on Elections.

Ayon sa kampo ni BBM, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng motion for reconsideration.

Sa ngayon, umaapela ang isa sa mga founder ng Partido Federal ng Pilipinas na si Abubakar Mangelen sa first division ng COMELEC hinggil sa pagbasura nito sa disqualification petition na inihain laban kay BBM.

Ayon kay Mangelen, hindi na nagawang mapag-usapan ng COMELEC ang ilan sa kanilang mga argumento.

Nakatakda ring maghain ng motion for reconsideration ang “Campaign against the return of the Marcoses and Martial law” dahil sa pagbasura ng disqualification case.

Samantala, sinabi ng spokesperson ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez na dapat igalang na ng mga petitioner ang desisyon ng COMELEC.

Follow SMNI NEWS on Twitter