Kauna-unahang Seal of Good Governance, nakamit ng Las Piñas City ngayong 2024

Kauna-unahang Seal of Good Governance, nakamit ng Las Piñas City ngayong 2024

NATANGGAP na ng Las Piñas City ang kauna-unahan nitong Seal of Good Local Governance (SGLG) sa ginanap na National Awarding Ceremony sa Maynila.

Personal na tinanggap ni Las Piñas Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang pagkilala dahil sa mahusay na pamamahala sa lungsod.

Iginagawad ang SGLG sa local government units na nakasunod sa mahigpit na kriterya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa napakagaling na pamamalakad sa financial administration, disaster preparedness, social protection, health, education, business-friendliness, safety and order, environmental management, tourism and culture, at youth development.

Ayon naman sa alkalde, ang tagumpay na ito ay bunga ng pinagsama-samang mga hakbang ng lokal na pamahalaan at ng mga residente ng Las Piñas.

Binigyang-diin pa ng alkalde na ang natanggap na parangal ay sumasalamin sa pangako ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo-publiko at tugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang mga nasasakupan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble