Klase sa mga lugar na apektado ng LPA, suspendido

Klase sa mga lugar na apektado ng LPA, suspendido

MAGPAPATUPAD ng class suspension ang ilang paaralan sa bansa dahil sa masamang panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Kabilang sa lugar na magpapatupad ng class suspension sa lahat ng antas ay sa Bohol, Cebu, Eastern Samar, Leyte, Negros Oriental at Negros Occidental.

Habang mula pre-school hanggang senior high school naman sa Carmen, Lapu-Lapu sa Cebu at Bacolod, Bago at La Carlota sa Negros Occidental. LPA.

Maliban dito, ayon sa guidelines na mula sa Department of Education (DepEd), ang lahat ng lugar sa buong bansa na mayroon moderate to heavy o orange to red rainfall warning ay awtomatikong magkakaroon ng class suspensions.

Follow SMNI NEWS in Twitter