Nakapagtapos na ALS students sa Parañaque City, mahigit 800

Nakapagtapos na ALS students sa Parañaque City, mahigit 800

NASA 844 na mga mag-aaral na ang nakapagtapos sa alternative learning system (ALS) sa Parañaque City kamakailan.

Mula sa 844 ay 140 ang nagtapos sa elementary level habang 704 sa junior high school.

Kasabay nito ay lubos na nagpapasalamat si Parañaque City Mayor Eric Olivarez sa lahat ng mga guro dahil sa suporta na ipinamalas nito sa mga ALS student.

Sa mga ALS student, hinikayat na rin ni Olivarez na magpatuloy sa kanilang pag-aaral kung nais pa ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble