Koronasyon ni King Charles III, magkakaroon ng 3 araw na selebrasyon

Koronasyon ni King Charles III, magkakaroon ng 3 araw na selebrasyon

MAGKAKAROON ng tatlong araw na pagdiriwang sa gaganaping coronation ng hari ng United Kingdom na si Charles Philip Arthur George o mas kilalang King Charles III.

Ayon sa Buckingham Palace, sa magiging pagdiriwang ay imbitado ang publiko sa buong bansa.

Dagdag pa nito, sa magiging koronasyon mismo ay magkakaroon ng isang solemn religious coronation ngunit sa susunod na mga araw ay magkakaroon naman ng mga iba’t ibang kaganapan sa buong bansa gaya ng mga concerts.

Inaasahan naman na dadaluhan ito ng mga matataas na opisyal mula sa iba’t ibang bansa.

Si King Charles III ang pumalit kay Queen Elizabeth II na kanyang ina, nang ito’y pumanaw.

Follow SMNI NEWS in Twitter