LGBT topics sa Grade 1 books, kinuwestiyon sa Senado

LGBT topics sa Grade 1 books, kinuwestiyon sa Senado

Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III ang pagkabahala sa aniya’y pagtalakay sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) topics sa mga aklat na ginagamit ng mga mag-aaral sa Grade 1.

Inihain ni Sotto ang usapin sa deliberasyon ng panukalang P915.49-bilyong budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2027.

Ayon kay Sotto, dapat umanong tiyakin ng DepEd kung angkop na ituro ang ganitong paksa sa murang edad at kung sapat ang pang-unawa ng mga batang elementarya.

Iminungkahi ng senador na higit na pagtuunan ng mga aklat ang anti-bullying, financial literacy, mental wellness, paggalang sa kapwa, at pag-iwas sa ilegal na droga.

Bilang tugon, sinabi ni Sen. Bam Aquino na itinuturo na sa iba’t ibang baitang ang mental health awareness, Good Manners and Right Conduct (GMRC), financial literacy, at anti-drug abuse.

Nangako rin si Aquino na muling susuriin ng DepEd kung angkop ang grade level kung kailan itinuturo ang mga naturang paksa.

Follow SMNI NEWS in Twitter