Isinumite na sa Senate plenary ang panukalang P915-billion budget para sa Department of Education (DepEd) at mga attached agencies nito para sa 2027.
Ayon kay Sen. Bam Aquino, chairman ng Senate Finance Subcommittee na humawak sa budget deliberations, mas mataas ito ng P4.9 billion kumpara sa pondong inaprubahan ng Kamara.
Kabilang sa mga naging usapin sa budget hearing ang kakulangan sa classrooms, sapat na sahod ng mga guro, at paggamit ng artificial intelligence (AI) ng mga estudyante.
Naghain din si Aquino ng panukalang dagdag na P6.3 billion para sa school-based feeding program.
Kapag naaprubahan, palalawakin nito ang universal feeding coverage upang maisama ang Kinder hanggang Grade 2 sa school year 2027-2028.
