HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na maglagay ng no-parking at no-tricycle allowed signs at iba pang traffic visual cues sa mga national highways bilang bahagi ng road clearing 2.0.
Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, dapat maglagay ng road sign ang mga LGU sa mga lugar na nalinis na sa road obstruction bilang visible warning upang hindi na mag-park o maglagay ng obstructions muli sa mga kalsada.
Ani Malaya, malaking hamon sa road clearing program ang pagpapanatili nito kaya kailangan ng mas maraming signs sa mga kalsada.
Inatasan rin ng DILG ang PNP na tulungan ang LGUs sa kanilang road-clearing operations lalo na kung nakakatagpo ang LGU teams ng mga residenteng matitigas ang ulo.
Iminungkahi din ni malaya sa mga LGU na gumamit ng towing services upang agad na maalis ang mga sasakyan na nakaharang sa mga kalsada at sidewalks.
Ang Extended Road Clearing Operation 2.0 ay nakatakdang magtapos sa Pebrero 15. Sinabi ni Malaya na wala ng ibibigay muli na palugit ang DILG matapos ang deadline.